Friday, January 4, 2008

| | |[Kaya pala]| | |

Hahanapin kita. Hintayin mo ako.

Sinabi ko iyon sa iyo bago ka lumipad dalawang taon na ang nakakaraan. Pangako. Kahit saang lupalop ng mundo ka man mapadpad, hahanapin kita. Balak ko talagang gawin iyon: ang sundan ka. Kaya ko namang gawin iyon, kailangan ko lang tapusin ang dapat. Para sa akin. Lalo na para sa atin.

Pero sabi mo sa akin noon...

Huwag.

Handa akong gawin lahat. Pag-aaralan ko anuman ang kailangan. Pag-iigihan ko para masundan kita diyan. Pupuntahan kita, at isasama kita pabalik.

Pauwi.

Pero sabi mo sa akin noon...

Huwag...

Ngayong kaharap na kita, alam ko na kung bakit.

A memory on|1:22 AM by rn 0 wrote back: Let us know |

________________

.Write something


.What has passed


January 2008
February 2008